-- Advertisements --

Malakas ang kutob ng House Quad Committee na magkakilala sina dating Davao Penal and Prison Farm (DPPF) Head Senior Supt. Gerardo Padilla at dating Pangulong Duterte.

Ito ay matapos ipakita ni Rep. Joseph Paduano ang isang larawan kung saan magkasama sina Padilla at dating pangulo sa isang event sa Davao.

Ayon kay Paduano, ang naturang larawan ay kuha sa isang kasal sa Samal Island sa Davao kung saan parehong ninong ang dalawa na siya namang itinanggi ni Padilla.

Kaugnay nito,Hinamon ni Cong . Paduano si Padilla na isiwalat na ang lahat ng kanyang nalalaman.

Una nang inamin ni Padilla sa pagdinig ng Quad Committe ng Kamara na alam niya na mayroong papatayin na tatlong Chinese Drug Lords sa Davao Prison and Penal Farm .

Sinabi rin ng mga testigong PDL na sina Fernando Magdadaro at Leopoldo Tan Jr. na mismong si Duterte ang tumawag kay Padilla para batiin ito matapos na maging matagumpay ang pagpatay sa tatlong Chinese national.