-- Advertisements --

Sa nakalipas na imbestigasyon ng Senado, kinumpirma ni Wang Fu Gui, isang Tsino at kaalyado ni She Zhijiang, na si Guo Hua Ping o Alice Guo ay isang espiya ng China at ang paglahok daw nito sa lokal na pulitika bilang Mayor ng Bamban, Tarlac ay pinondohan ng Intelligence ng China.

Sa isang naitalang panayam, sinabi ni Wang Fu Gui na ang dossier ni Guo Hua Ping, o ang impormasyon ni Alice bilang espiya ng Tsina, ay kasama sa mga encrypted na file na ipinagkatiwala sa kanya ni She Zhijiang.

Si She Zhijiang ay unang na-fearure sa documentary ng Al Jazeera, kung saan sinasabi nito na itinakwil siya ng China bilang spy.

Kumbinsido naman ang House Quad Committee na ang dating administrasyon ang nagbasbas kaya matagumpay na napondohan ng China ang pagpasok ni Guo sa pulitika ng Pilipinas.

Ayon sa Quad Comm, ito rin ang naging daan kaya namamayagpag ngayon ang POGOs sa Pilipinas na pinatatakbo ng mga Tsino.