-- Advertisements --
image 513

Nagpatawag ng emergency meeting si House Speaker Martin Romualdez kasama ang DILG at PNP ngayong Lunes, February 27, upang pag-usapan ang serye ng high-profile crimes.

Ayon kay Romualdez, nakababahala ang mga magkakasunod na ulat ng ambush na posibleng politika ang motibo dahil halos lahat ng biktima ay mga politiko.

Tinukoy ni Romualdez ang ambush kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong na ikinasawi ng apat sa kanyang aid.

Nasundan ito ng isa pang insidente ng pananambang kung saan nasawi si Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda.

Nito namang Pebrero 22, inambush din si Mayor Ohto Caumbo Montawal ng Tunggol Datu Montawal, Maguindanao del Sur na nasugatan sa insidente.

Nais malaman ni Romualdez mula sa PNP at DILG kung ano ang mga hakbang na ginagawa nila upang pigilan ang mga ganitong uri ng karumal-dumal na krimen at kung paano sila matutulungan ng Kongreso.