Target ng House of Represetatives na mapabilis ang pag-apruba ng panukalang Bayanihan 3 na magbibigay ng tulong sa mga mamamayan na labis na naaapektuhan dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, kanilang agad na tatalakayin ang Bayanihan to Arise As One Act o Bayanihan 3 kapag nagsimula na ang session sa Mayo 17.
Dagdag pa nito, bilang may akda ng nasabing panukala na inaprubahan na rin ng tatlong committee sa House ito gaya ng committee on economic affairs, social services at ways and means.
Kailangan lamang itong maaprubahan sa House committee on Appropriations bago ito talakayin sa plenary.
Nakapaloob sa P405.6 billion na Bayanihan 3 ay cash aid para sa 108 milyon na Filipino kung saan makakatanggap ang mga ito ng tig-P1,000 na ibibigay ng dalawang beses na financial aid na nagkakahalaga sa lahat ng P216-billion.
Patuloy din aniyang nakikipag-ugnayan ang House sa Department of Finance para sa pagpopondo ng Bayanihan 3.