-- Advertisements --

Pinag-iingat ni Albay Representative Joey Salceda ang gobyerno sa pagpapatupad sa excise tax suspension.

Paliwanag ng Albay solon ito ay dahil ang presyo ng langis sa world market ay “unstable” kung minsan tumataas minsan naman ay bumababa.

Dapat mapanatili ng gobyerno ang fiscal credibility.

Ibinahagi ni Salceda na mayruon siyang formula na iminungkahi nuong 18th Congress na bawasan ang excise tax ng P3.00 kapag ang average na presyo ng Means of Platts Singapore ay lumampas sa USD80 sa loob ng tatlong buwan, at taasan ang buwis ng P2 kapag ang presyo ay mas mababa sa USD 45.

Sinabi ni Salceda ang mga karagdagang kita sa panahon nang mababang presyo ng langis ay maaaring gamitin para sa subsidy sa gasolina kapag mataas ang presyo ng langis.

Paliwanag ni Salceda na ang isang pabagu-bago at panlipunang sensitibong kalakal ay hindi dapat magkaroon inflexible tax regime.

Sabi ni Salceda dapat maghanap ng pamamaraan para tugunan ang isyu bago galawin ang taxes na siyang lifeblood ng bansa.

Para tulungan ang mga lubhang naapektuhan, kailangan magkaroon ng diskwento sa langis ang mga magsasaka, mangingisda at ang transport sector.

Isinusulong din ni Salceda ang paggamit sa P9 billion ang excess sa VAT revenues para sa pagbibigay ng diskwento.

Upang taasan ang mileage at bawasan ang pump price, pinahihintulutan ng batas na bawasan ang kinakailangang bioethanol na 10 porsiyento hanggang 5 porsiyento sa gasolina.

Ito ay magbabawas kabuuang presyo ng P3.1 kada litro ng gasolina.