Inaprubahan ng House ways and means panel ang House Bill 376, na lumikha ng Motor Vehicle Road Users’ Tax (MVRUT).
Ito ang inihayag ni committee chairperson Albay Representatative Joey Salceda.
Sinabi ni Salceda, ang buwis ay isa sa mahahalagang sukatan ng kita na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes July 24,2023.
Inaamyenda ng House Bill 376 ang Republic Act No. 8794 o ang Motor Vehicle Users’ Charge (MVUC), na naipasa bilang batas mahigit dalawang dekada na ang nakararaan.
Sinabi ni Salceda na ang magreresultang pasanin sa buwis sa average na sedan na ibinigay ng bill ay nasa 0.21% ng net retail price, mas mababa pa rin sa Southeast Asia average na 0.49% ng net retail price.
Ayon tax chief ang iminungkahing reporma sa MVUC [Motor Vehicle Users’ Charge] ay progresibo dahil humigit-kumulang 52 porsiyento ng mga sambahayan na nagmamay-ari ng kotse ay nabibilang sa pinakamayamang percentile.
Dagdag pa ng mambabatas na ito ay akma sa lahat ng pagsubok na ginagawa ng komite.
Giit ni Salceda, sa nasabing batas magbabayad ang mayayaman, maglilikha ng mas maraming pondo para sa pag-unlad, magdaragdag ito ng output.
Aniya, sumasang-ayon din ang mga stakeholder.
Ang House Bill 376 ay naglalaan din ng 45% ng incremental revenues sa public utility vehicle (PUV) modernization program at 5% sa road crash prevention programs.
“As envisioned, the earmarking for PUV modernization will be enough for equity subsidy of P500,000 per unit of PUV,” pahayag ni Salceda.
Ang panukala ni Salceda ay magtataas ng P274.45 bilyon sa susunod na limang taon.
Ang inaprubahang panukala ay naglalaan din ng 45 porsiyento ng mga incremental na kita sa PUV modernization program, at 5 porsiyento para sa road crash prevention programs.