CENTRAL MINDANAO-Sa mithiing mapataas ang bilang ng mga Senior Citizen na mabakunahan ng Covid-19 Vaccine, ipapatupad ni Kabacan Cotabato Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang house-to-house vaccination.
Aniya, batay sa report ng MHO, karamihan sa mga nagkakasakit ng covid-19 ay mga Senior Citizen na kung tutuusin ay hindi naman ito lumalabas ng bahay.
Paliwanag ng ni MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. ang mga Senior Citizen ang kalimitang naiiwan sa bahay at karamihan ng kasama nito sa bahay ay lumalabas. Bagamat bakunado ay hindi imposibleng maging carrier ang mga kasama sa bahay ng isang senior citizen.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si OSCA Head Warlito Martinez sa adhikain at kagustuhan ng alkalde.
Aniya, malaki ang maitutulong nito upang mapataas ang bilang ng mga senior citizen na nababakunahan.
Siniguro din nito na makikipag-ugnayan ang mga ito sa MHO upang makapagsumite ng mga pangalan ng mga nais magpabakuna na senior citizen sa kanilang tahanan.