-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Sinimulan nang ipatupad ng City Government of Kidapawan ang House to House na pagbabakuna kontra COVID-19.

Bahagi ito ng mandato nina City Mayor Joseph Evangelista at Cotabato Vice Governor Emmylou Talińo – Mendoza na magtulungan upang palakasin ang pagpababakuna laban sa COVID-19.

Ipinatupad ang pagbabakuna sa mga households ng Barangay Lanao para sa mga eligible priority groups partikular ang mga senior citizens at may mga comorbidities na hirap ng makapunta sa mga vaccination centers na inilagay ng City Government.

Bahagi din ito ng Bakunahan to the Vaxx ng City Government na naglalayong mabakunahan ang maraming mamamayan ng lungsod tungo sa herd immunity laban sa COVID-19.

Mga kagawad ng City Health Office ang nagtungo at nagsagawa Ng vaccination sa mga pre-listed na households na may miyembrong eligible for vaccination na hindi pa nababakunahan kontra sa sakit.

Nagbigay naman ang tanggapan ng bise gobernadora ng food packs bilang dagdag na tulong para sa mga pangangailangan Ng mga nagpabakuna.

Samantala, abot naman sa 181 na mga eligible population mula sa A1 – A5 at mga 12-17 years old sa ilalim ng pediatric group ang nabakunahan ng City Government sa Barangay Malinan kahapon, January 25, 2022.

57 dito ay first dose, 17 ang second dose at 107 naman ang tumanggap ng booster shots.

Nag-abot din ng food packs ang City Government sa lahat ng nagpabakuna sa Barangay Malinan.