-- Advertisements --

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Ligao ang pagsasagawa ng house-to-house COVID 19 vaccination sa mga liblib na parte ng kanilang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ligao CDRRMC head Choi Perillo, dinadayo na ng kanilang mga vaccination teams ang mga mabubundok ng parte ng lugar upang maibigay sa mga residente ang kinakailangang bakuna laban sa nakakahawang sakit.

Partikular na inilunsad ang programa para sa mga senior citizens na hirap ng bumiyahe para pumunta sa mga vaccination areas dahil sa mga nararamdaman na sa katawan.

Masaya naman na ibinahagi ng opisyal na naging mainit ang pagtanggap ng mga residente sa kanilang team at halos lahat ay naeengganyo ng magpabakuna.

Nilinaw naman ni Perillo na bagaman mayroong house-to-house vaccination, bukas pa rin ang kanilang mga vaccination centers na handang tumanggap ng mga nais na magpabakuna.