-- Advertisements --

Patuloy na nahihirapan ang gobyerno sa pagbabakuna ng mas maraming indibidwal para sa COVID-19 kahit na bahay-bahay na ang kampanya.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, bagama’t naging matagumpay ang departamento sa mga lugar na may mataas na bilang ng mga naturukan, kailangan pa rin nitong gumamit ng higit pang mga estratehiya upang madagdagan ang mga pagbabakuna sa ibang mga lugar na may mababang turn-out.

Aniya, lahat ng areas sa bansa ay nag-house-to-house kung saan ang latest special vaccinations days ay ginawa sa Negros Occidental, Negros Oriental, buong Region 2.

Dagdag pa nito na frustrations ng ibang health care workers ay madaming pumunta, nag-house-to-house ngunit kaunti lang ang nagpapabakuna.

Magkakaroon ng mga espesyal na lugar ng pagbabakuna sa rehiyon ng Bangsamoro, na may mababang saklaw ng bakuna.

Napag-alaman na nabakunahan ng Pilipinas ang average na 200,000 indibidwal araw-araw nitong mga nakaraang araw.