-- Advertisements --

Umalma ang ilang leaders ng House “Young Guns” hinggil sa panukala ni Sen. Sherwin Gatchalian na dagdagan ang approved P733-million 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP) dahil hindi maipaliwanag na paggastos at “budol” tactics na layong lihisin ang isyu.

Sa ngayon kasi mayruon umanong pag-uusap na dagdagan ang pondo ng OVP.

Binatikos naman ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega ng La Union at Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales criticized ang inconsistent budgetary positions ng OVP.

Binigyang-diin ni Ortega na naka-setup na ang mga regional agencies ng mga ahensiya nagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan at maiwasan ang duplication ng mga functions.

Naniniwala i Ortega na sinusubukang ibudol-budol ng isyu para ma-confuse ang publiko.

Giit ng Kongresista na hindi maipaliwanag ng VP ang mga programa na nilatag nila sa House of Representatives.

Sinegundahan naman ni Zambales Rep. Jay Khonghun ang pahayag ni Ortega at ipinunto ang kakulangan ng transparency hinggil sa paggamit ng OVP ng P500 million confidential funds.

Giit ni Khonghun mahalaga na magkaroon ng transparency and accountability sa lahat ng budget at pondo na ibinibigay ng pamahalaan.

Umalma din kasi ang mga mambabatas sa mga pangalang nakalagay sa acknowledgement receipt na kaduda duda gaya ng Mary Grace Piattos at Chippy McDonald.

Ayon sa mga mambabatas binibigyan nila ng pagkakataon si VP Sara na makaiwas sa katiwalian at anomalya na kinakaharap niya ngayon.