GENERAL SANTOS CITY – Tiniyak ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac na may nakalaang tulong ang pamahalaan para sa mga household service workers na apektado ng deployment ban sa Kuwait.
Ang mensahe nito ay kasabay ng pagdalo sa libing ng OFW na si Jeanelyn Villavende sa Norala, South Cotabato.
Ayon dito, inabisuhan ang mga apektado ng ban na lumapit sa OWWA, Department of Labor and Employment (DOLE) o Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang malaman ang maaaring tulong na nararapat para sa kanila.
Ito rin ay upang magabayan at matulungan ang mga apektado sa kanilang gagawin.
Nabatid na nasa 200 OFW na apektado ng ban sa Kuwait ang natulungan ng OWWA.
Ang kaso ni Villavende ang isa sa mga dahilan kung bakit ipinatupad ang deployment ban ng mga household service workers sa Kuwait.