-- Advertisements --

Nakikita na ngayon ng PAG-IBIG funds ang pagtaas ng kumukuha ng housing loans mula ng simulan ng gobyerno ang pagbabawal ng Philippine offshore gaming Operators o (POGO).

Ayon sa PAG-IBIG na maraming mga condominium units ngayon ang nabakante mula ng palayasin ang mga naninirahang POGO operators.

Dagdag naman ni Pag-IBIG Acting Vice President Domingo Jacinto Jr na kanilang tinitignan ngayon ang mga inventories nila na ilalaan sa mga miyembro at sellers na magbebenta ng kanilang mga lupain.

Una rito ay nagbigay sila ng isang buwang moratorium sa mga miyembro nila na may housing loans lalo na sa mga lugar na sinalanta ng mga bagyo.