Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang mataas na presyo ng housing, water, electricity, gas at iba pang fuels ang ilan sa pangunahing dahilan ng patuloy at mabilis na paglobo ng inflation rate sa ating bansa.
Ayon kay Philippine Statistics Authority National Statistic and Civil Registrar General at Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, ito ay matapos na umakyat sa 3.9 ang porsiyento ng inflation noong nakaraang buwan ng Mayo mula sa 3.8 na porsiyento nito lamang Abril ng taong kasalukuyan.
Habang pumapangalawa naman sa dahilan ng mataas na antas ng inflation nitong Mayo 2024 kaysa noong Abril ang mas mabilis na pagtaas ng presyo sa sektor ng transportasyon na may antas na 3.5 na porsyento at ito ay may halos 43.2 na porsyentong ambag sa pagtaas ng pangkalahatang inflation sa Pilipinas.
Ang nag ambag sa pagtaas ng inflation sa transport ay ang pagtaas ng presyo ng gasolina na may 5.2 percent, diesel na may 7.2 % habang nag ambag din ang mataas na pamasahe sa barko na may 1.5 percent mula sa -23.3% noong Abril 2024.
Bagamat mataas ang ambag ay nakapagtala naman ng mas mabagal na pagtaas ng presyo nitong Mayo kumpara noong nakaraang buwan ang mga commodity group na food and non-alcoholic beverages, alcoholic beverages and tobacco at pati na rin ang clothing and footwear.
Habang nanatili naman ang antas ng inflation noong nakaraang buwan ang furnishing, household equipment and routine household maintenance, information and communication at educational services at financial services.
Samantala, inilahad naman ni Mapa na possible at maaari raw na tumaas ang antas ng inflation sa electricity dahil sa pagsasailalim ng ilang lugar sa yellow at red alerts nitong nakaraang buwan dahil sa kakulangan sa suplay ng kuryente.