-- Advertisements --

Lumutang ngayon ang umano’y balakin ng Houston Rockets na bitawan na rin patungo sa ibang team ang kanilang veteran guard na si John Wall.

Ang hakbang ng Rockets ay ilang linggo bago magsimula ang bagong NBA season habang sa katapusan ng buwan na ito ay isasagawa na training camp.

Sinasabing gusto raw ngayon ng Rockets na baguhin nila ang diskarte ng team at magpukos sa mga mas batang manlalaro.

Ang five-time All-Star na si Wall ay 31-anyos na.

Sa kabila nito inaaasahang mahihirapan ang Rockets na ma-trade si Wall dahil meron pa itong natitirang dalawang taon sa kontrata na nagkakahalaga ng $91.7 million.

Nitong nakalipas na season kabilang si Wall sa pinaka-efficient player ng Houston na nag-a-average ng mahigit 20 points kada laro.

Siya ay numero uno sa overall pick noong 2010 NBA Draft.