-- Advertisements --

Pinabagsak ng Houthi forces sa Yemen ang MQ-9 Reaper drones ng US military, ayon ‘yan mismo sa mga Houthi batay na rin sa inilabas nitong video.

Nagsasagawa raw kasi ito ng hostile missions sa Saada province sa Yemen. 

Ito na ang ikatlong US attack drone na napabagsak ng Houthi magmula ng magsimula ang giyera sa Gaza. Una ay noong Nobyembre ng nakaraang taon, at sinundan naman nitong Pebrero 2024. 

Ayon din sa military spokesman ng grupo na si Yahya Saree, tinarget at natamaan nila ang “British oil ship Andromeda Star” sa Red Sea nitong Sabado.  

Kinumpirma naman ng US military na umatake ng tatlong antiship ballistic missiles ang Houthi sa Red Sea at na-damage ang MV Andromeda Star.