Ipinagmalaki ng Houthi rebels ng Yemen na nagsagawa sila ng apat na military operations na ang target ay apat na mga bariko sa Red,
Arabian, Mediterranean Seas at Indian Ocean.
Ayon kay Yahya Sarea ang tagapagsalita ng grupo na layon ng kanilang operasyon ay may kaugnayan sa US, Israel at United Kingdom.
Ang unang operasyon ay isinagawa sa Arabian Sea na ang target ay MSC Uniific ng Israel, ikalawa ay ang US oil tanker na Delonix na kanilang tinarget mula sa Red Sea.
Habang ang ikatlong operasyon ay ang landing ship ng UK na Anvil point na nasa Indian Ocean at ang pang-apat ay sa Mediterranean Sea na ang target dito ay ang kinilala lamang sa “Lucky Sailor”.
Mula noong Nobyembre ng nakaraang taon ay dinamayan ng Yemen Iranian-aligned Houthi group ang Palestine na nilusob ng mga Israel.