-- Advertisements --

Malaking bahagi ng Marbi City sa Yemen ay nasa kontrol na ng mga Houthi rebels.

Ayon kay Houthi deputy foreign minister Hussein al-Ezzi na 10 sa 14 na distrito ng Marib ay kanilang hawak.

Bagamat kahit na hawak nila ito ay kontrolado pa rin ng Saudi-backed government ang bansa.

Ang Marib kasi ay lugar kung saan makikita ang mga malalaking oil ifrastructures.

Nanawagan na si Foreign Minister Ahmed Bin Mubarak sa mga Houthi rebels na itigil na ang nasabing pang-aatake.

Nagbabala na rin ang mga aid groups at diplomats na magkakaroon ng matinding humanitarian crisis kapag hindi natigil ang kaguluhan.