-- Advertisements --
Pinakawalan ng Houthi rebels ng Yemen ang mga bihag nilang crew ng MV Galaxy Leader.
Ang nasabing barko ay kanilang binihag mula pa noong Nobyembre 2023 noong sinimulan nila ang pag-atake sa mga barko na dumadaan sa Red Sea.
Kabilang sa mga crew dito ay 17 Filipino seafarers ng nasabing barko.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng ipinatupad na ceasefire sa pagitan ng Hamas at Israel.
Ayon sa Houthi rebels na kaya nila isinagawa ang pagpapakawala ng mga seafarers ay dahil na rin sa ginawang pakikipag-usap ng mga mediators na pinangunahan ng Oman.