-- Advertisements --
Dinagdagan ng Highway Patrol Groups (HPG) ang kanilang mga personnel na nakatalaga sa kahabaan ng EDSA.
Sinabi ni PNP-HPG director Brigader General Eliseo Cruz, na mayroong karagdagan 62 HPG members ang idadagdag sa EDSA.
Layon ng nasabing karagdagang puwersa ay para mabantayan ang pag-atake ng mga robbery at hijacking.
Mayroon ding 20 patrol cars at 36 motorcycles ang magpapatrolya sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila.