BUTUAN CITY – Mahaharap sa mga kasong robbery extortion at grave misconduct ang isang tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) sa Agusan del Norte matapos na aktong mahuling nangingikil sa may-ari ng isang sasakyang kanyang nahuli.
Hindi na nakapalag pa sa entrapment operation kaninang umaga sa old building ng Cabadbaran City Police Station si SSgt Ronelo Tering-Tering, residente sa Purok 4, Brgy. San Francisco, Panabo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Lt. Col. Renel Serrano, station commander ng Cabadbaran City Police Station na dalawang linggo nang isinasailalim sa surveillance ang suspek matapos makipag-areglo sa may-ari ng hinuli nitong mini-dump truck mula sa halagang P20,000 hanggang sa bumaba ito sa P5,000.
Blangko ito ng mga personahe na pala ng PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) Mindanao field office ang kanyang katransaksyon kung kaya’t hindi na siya nakapalag pa.
Nakuha mula sa kanyang posisyon ang P2,000 marked money at 9mm issued firearms.