Nakapagtala ng kabuuang bilang na 11 election related incidents ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ilang araw bago ang national and local elections.
Sa isang panayam, inanunsyo ni PNP-HPG Spokesperson Lt. Dame Malang na ang mga election related incidents ay pawang mga paglabag sa patuloy na ipinapatupad na gun ban sa buong bansa.
Aniya, ang 11 insidenteng ito ay nahuling may mga dalang baril o mga nagtatransport ng mga armas na ipinagbabawal sa ilalim ng Commission on Elections (Comelec) provisions at ngayong nasa ilalim pa ng election period buong bansa.
Kasunod nito ay kinumpirma rin ni Malang na mayroong hindi bababa sa 100 tauhan mula sa kanilang yunit ang itatalaga sa buong kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) para magsagawa ng mga patrolya at pagiikot sa bahaging ito ng Metro Manila.
Aniya ito ay alinsunod pa rin sa mga naging paguutos ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na bantayan at tutukan ang mga pangunahing lansangan at maging mga bus terminals ngayong papalapit na ang halalalan ngayong taon.
Habang magtatalga naman ng hindi bababa sa 800 mga HPG personnel naman ang itatalaga ng PNP-HPG sa halos 200 lokasyon sa buong bansa para sa araw ng 2025 national and local elections sa Mayo 12.
Samantala, ang deployment na ito ng kanilang yunit ay kasalukuyan nang naipakalat sa ibat ibang pangunahing bahagi ng Metro Manila para magsagawa ng obserbasyon at magmonitor ang mga galaa ng bawat lansangan.