CAUAYAN CITY – Tinututukan ng Highway Patrol Group (HPG) Region 2 ang kaso ng mga carnapping at motornapping.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCol. Joy Andrade, Regional Director ng HPG Region 2, sinabi niya na karaniwang naitatala nila ang mga recovered na hinihinalang nakaw na motorsiklo, arrested wanted person pangunahin na ang mga may paglabag sa Carnapping law at paglabag sa mga batas trapiko.
Mas mababa na rin ngayon ang kanilang mga apprehension sa mga lumalabag sa traffic rules and regulations kung saan sa loob ng isang linggo ay nakapagtala sila ng 697 sa buong Region 2, apat ang impounded at isa naman ang carnapping incident.
Panawagan nito sa mga motorista na para iwas abala tumugon sa mga batas trapiko pangunahin na sa mga road signages.
Dapat din na hindi lango sa nakalalasing na inumin ang mga nagmamanehong tsuper dahil hindi lamang sila ang gumagamit ng pambansang lansangan.