-- Advertisements --

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang human resource manager sa China na kinilala sa pangalang Yang.

Ito’y matapos siyang lumikha ng 22 pekeng empleyado, kasama na ang mga umano’y identity ng mga ito upang makapanlinlang ng 16 milyong Yuan o katumbas ng P126million mahigit mula sa sahod at benepisyo ng kompanya.

Ginamit niya ang kaniyang control sa payroll upang magdagdag ng pekeng empleyado at ilipat ang sahod sa isang bank account na siya rin ang may hawak.

Natuklasan ang kaniyang panloloko noong 2022 nang mapansin ng finance department ng tech company na ang isa sa mga pekeng empleyado, si “Sun,” ay hindi kailanman nakita sa opisina.

Matapos ang masusing imbestigasyon, nabunyag ang kaniyang walong taon ng panloloko, dahilan upang siya’y hatulan ng higit 10 taong pagkakakulong, multa, at pagbabayad ng bahagi ng ninakaw na pera.