-- Advertisements --
Hinimok ng New York-based Human Rights Watch (HRW) nitong araw ang gobyerno ng Pilipinas na magsagawa ng impartial investigation sa pagkakapaslang kamakailan ang ilang makakaliwang aktibista.
Sinabi ni Carlos Conde, Philippines researcher sa HRW, na ang pagkakapaslang kamakailan sa mga makakaliwang aktibisa ay maituturing na seryosong human rights problem sa Pilipinas na hindi pa rin natutuldukan.
Dahil dito, kailangan na magsagawa ang mga otoridad sa Pilipinas ng malalimang imbestigasyon para mapanagot na rin ang mga responsable ng mga pagpaslang na ito.
Nitong Hunyo lamang, apat na miyembro ng makakaliwang organizations ang pinaslang ng mga hindi pa rin nakikilalang gunmen.