-- Advertisements --
Aabot sa $30 billion ang posibleng lugi ng kompaniyang Huawei dahil sa ipinatupad na pagbabawal ng US.
Sinabi ng founder at CEO ng Huawei na si Ren Zhengfei na sa loob ng dalawang taon ay mababawasan ang kanilang kapasidad at posibleng malulugi sila ng mahigit $30-billion.
Noong nakaraang taon kasi ay mayroong tumaas ng 20% o $104-billion ang kanilang kabuuang kita.
Ang nasabing kompaniya ay labis na naapektuhan sa ipinatupad na US-China trade war.
Inakusahan kasi ng US ang China ginagamit nito ang nasabing kompaniya sa pag-iispeya.