Pinalaya na mula sa kaniyang house arrest ang mataas na opisyal ng Chinese technology na Huawei na si Meng Wanzhou.
Si Wanzhou ay chief financial officer ng Huwaei na ikinulong mula pa noong Disyembre 2018 sa Canada dahil sa kasong panlilinlang.
Sa ginawang pagdinig sa kaso nito ay nagpasya ang judge sa Canada na ito ay agarang makalaya.
Ang pagpapalaya sa kaniya ay dahil sa matinding negosasyon sa pagitan ng US at Chinese diplomats.
Nagbunsod ang kaso dahil sa alegasyon ng US na nilinlang ni Meng ang HSBC bank sa kaugnayan ng Huawei sa kumpanyang Skycom.
Dahil dito ay nagdulot ng panganib sa paglabag ng sanctions na ipinataw ng US sa Iran.
Ayon sa US Department of Justice (DOJ) na mababasura lamang ang nasabing kaso kapag nasunod ng akusado ang mga inilatag na kondisyon ng korte.