Iniimbestigahan na ng Philippine Air Force (PAF) probe team mula sa 3rd Air Division ang aksidenteng kinasangkutan ng isang UH-IH helicopter bandang alas-3:30 ng hapon kahapon sa Barangay Ayala, Zamboanga City.
Sa naturang insidente, nagkaroon ng damages ang Huey helicopters habang ligtas naman ang piloto at mga crew nito.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PAF Spokesperson Maj. Aristedes Galang, kaniyang sinabi na nakadepende sa resulta ng imbestigasyon ang pagdeklarang grounded sa mga nasabing aircraft.
Sa ngayon wala pang direktiba mula sa pamunuan ng PAF na gawaing grounded ang iba pang mga UH-1H helicopter.
Sinabi ni Galang na routine training flight ang ginagawa ng mga piloto nang makaranas ito ng in-flight emergency kaya nagsagawa ng precautionary landing.
No comment naman si Galang sa ulat na nagkaroon ng problema ang rotor blade ng naaksidenteng chopper.
Una nang iniulat na nagkaroon ng problema ang rotor blade ng chopper.