-- Advertisements --

Naka-isolate at nagpapagaling na si Hollywood actor Hugh Jackman matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.

Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng video kung saan sinabi nito na nakaranas siya ng pagsipon at lagnat.

Dahil dito ay kinansela niya ang mga paglabas niya sa mga Broadway show sa New York.

Nagtataka rin ito dahil sa fully vaccinated na siya laban sa COVID-19.

Bukod kasi sa paggawa ng mga pelikula gumaganap din sa mga Broadway show ang actor.

Nauna rito ay kinansela lahat ng New York City ang mga Broadway shows dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.