Tinanggalan ng Korte Suprema ng lisensya ang isang hukom matapos nitong mapatunayang guilty sa kasong Falsification of Official Documents, Serious Dishonesty, Gross Misconduct, Commission of Crimes Involving Moral Turpitude, at paglabag sa New Code of Judicial Conduct.
Kinilala itong si Judge Sharon M. Alamada-Magayanes na tumayong Vice-Executive Judge and Presiding Judge of Branch 3, Municipal Trial Court in Cities, Calamba City.
Ayon sa SC, inamin ng hukom na kanya ang mga pirma sa payroll registers ng lokal na pamahalaan ng Calamba City na may kinalaman sa kanyang contractual driver .
Nagsinungaling umano ang hukom na nag rerender pa ang kanyang driver ngunit napag-alaman na ito ay matagal nang nag resign.
Batay sa imbestigasyon , hawak ni Magayanes ang ATM ng kanyang driver at makailang ulit rin itong nag withdraw ng sahod ng driver.
Samantala, hinatulan rin ng Supreme Court En Banc ang kanyang mga co-respondents na sina Rachel Worwor-Miguel 9 Clerk of Court III) at Beverly A. De Jesus (Court Stenographer II) na guilty sa Falsification of Official Documents and Serious Dishonesty dahil sa pagpirma nito sa parehong payroll registers na sumasang ayon na ang driver ni Judge Alamada ay nag re render pa ng serbisyo kahit pa ito ay nag resign na .
Binigyang diin naman ng SC na dapat ay magsilbing huwaran ang mga court employees at magpamalas ng mataas na antas ng work ethics.