Hindi na umano makakasama pa si Los Angeles Lakers superstar LeBron James sa huling anim na laro ng koponan ngayong season.
Sa pahayag nina Lakers president Magic Johnson at general manager Rob Pelinka, ito raw ay para sa tuluyang paggaling ng singit ni LeBron na nagtamo ng injury noong Christmas Day game.
“After consulting with our team doctors and medical staff, we have decided to hold LeBron out of games for the remainder of the season,” saad sa pahayag. “This decision will allow his groin to fully heal, and is best for the future success of both LeBron and the Lakers.”
Tinapos ni James ang regular season na may average na 27.4 points, 8.5 rebounds at 8.3 assists sa loob ng 55 laro.
Sa ikaanim namang sunod na pagkakataon ay hindi nakapasok sa postseason ang Lakers, dahilan para maputol din ang personal streak ni Lebron na 13 dikit na playoff appearances at walong sunod naman sa NBA Finals.