-- Advertisements --

Tuluyan nang ibinasura ng Sandiganbayan ang huling anim na ill-gotten wealth cases laban kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., dating FL Imelda Marcos, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile at iba pang indibidwal.

Ang pagbasura ng Sandiganbayan sa kasong may kinalaman sa coco levy fund ay dahil sa labis na pagkadelay nito.

Batay sa inilabas na 42 pahinang resolusyon ng Sandiganbayan Second Division, sinabi nitong nagkaroon ng inordinate delay sa proceedings ng kaso.

Umabot kasi sa 36 na taon ang naging delay mula nang inihain ang orihinal na kaso habang 28 na taon naman ang naging delay sa subdivision.

Ang kaso ay inihain pa ng Presidential Commission on Good Governance laban sa mga nabanggit na personalidad noong pang taong 1987.