CEBU CITY – Pinaniniwalaan ng Joint Task Force Negros na nang dahil sa pressure ng otoridad at maging ang buong bansa kaya sumuko na ang mga suspek sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Major Cenon Pancito, ang tagapagsalita ng Joint Task Force Negros, na importante ngayon ang mga ibinigay na impormasyon ng mga suspek kaya patuloy ang kanilang cross checking sa unang mga impormasyon mula sa mga na una nang naaresto na mga suspek.
Gayunpaman, nilinaw nito na nasa investigating team na sa Manila na pinangunahan ng Department of Justice ang takbo ng imbestigasyon.
Habang, inihayag rin ni Major Pancito na ang huling apat na sumukong mga suspek ang nagbigay ng ‘surrender filler’ kaya ang team mula sa Manila ang kumuha sa kanila sa Mindanao at dinala pabalik sa Manila.
Sa ngayon, umaasa ang mga otoridad na ang mga nasabing suspek ay makakatulong rin sa imbestigasyon para sa pagresolba ng kaso.