Walang anumang pagbabago at tuloy pa rin ang huling araw ng Bar Exam sa Setyembre 24 sa lahat ng 14 na testing centers sa bansa.
Sinabi ni Supreme Court (SC) Associate Justice Ramon Paul Hernando, ang chairman ng 2023 Bar examinations, na hindi nila nakikitang magiging sagabal para sa mga kukuha ng Bar ang nararanasang smog na nararanasan sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Inabisuhan nila ang mga kukuha rin ng pagsusulit na magsuot na lamang ng face mask.
Nakasaad kasi sa kanilang Bar Bulletin No. 6 na hinihikayat nila ang mga kukuha ng pagsusulit na magsuot na lamang sila ng KN95 o N95 mask para na rin sa kaligtasan ng kanilang kalusugan.
Pagtitiyak niya na mayroong nakatalagang mga medical teams sa mga testing centers para sakaling mayrong maganap na medical emergency.