Naideliver na sa bansa ang huling batch ng limang S70i Blackhawk helicopters ng Philippine Air Force (PAF).
Ayon kay PAF spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, dumating ang mga ito sa Clark Airbase sa Pampanga kahapon sakay ng Antonov transport plane mula sa Poland.
Bahagi aniya ito ng kabuuang 16 na Blackhawks sa fleet ng PAF.
Magugunitang ang unang batch ng anim na Blackhawk ay dineliber sa PAF noong Nonyembre 2020; kasunod ng ikalawang batch na limang choppers na pormal na tinanggap ng PAF nitong nakalipas na Oktubre 13.
Sinabi ni Lt. Col. Mariano na ang mga Blackhawk helicopters ay magpapalakas sa kapabilidad ng AFP na magsagawa ng Hunanitarian Assistance at Disaster Response Operations.
Unang ginamit ng PAF ang mga Blackhawk helicopters sa paghahatid ng bakuna sa mga liblib na lugar ng bansa bilang pagsuporta sa national vaccination program.
Samantala, ilan sa mga Blackhawk helicopters ay nai-deploy na sa Western Mindanao Command at Eastern Mindanao Command.