Nai-deposit na ng Commission on Elections (Comelec) sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang huling batch ng source codes para sa safekeeping kaugnay ng May 13 elections.
Ang naturang source codes ay gagamitin para sa rebuild ng OS images ng Consolidation and Canvassing System sa mga bagong laptop at printer.
Gagamitin din ito para sa Smartmatic codes ng transmission routers at domain name server janitor (DNS) para naman sa mabilis na transmission ng mga results.
Nitong umaga nang ipadala ng Comelec IT department ang selyadong mga envelope na naglalaman ng source codes.
Ayon kay executive director Jose Tolento, na siyang pumirma at nag-selyo sa mga envelope, ikakandado ang source codes sa BSP kasama ang source codes mula sa mga nakaraang halalan.
Tiniyak naman nito na dumaan sa review at sinertipikahan ng international at local code reviewers ang naturang source codes.
“Those applications were also reviewed by our local source code reviewers and none has said or found that there is any malicious code embedded in the source code.â€