-- Advertisements --

Bumalik ang malamig na hangin dulot ng northeast monsoon o “amihan,” ngunit kasalukuyang maapektuhan lamang ng weather system ang lalawigan ng Batanes, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay state weather bureau na si Chenel Dominguez, maaari raw makaapekto ang huling pagbugso ng amihan sa Northern Luzon, at asahan na ang pagtatapos nito sa mga susunod na araw.

Sa tala ng weather forcast advisory kaninang 5:00 ng umaga, mananatiling ligtas sa bagyo ang bansa hanggang sa katapusan ng linggo, dahil walang namomonitor na Low Pressure Area (LPA) ang Pagasa sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Bagamat malapit nang magtapos ang amihan, patuloy pa ring nararanasan ang iba pang weather systems tulad ng easterlies—mga hangin mula sa silangan na dumadaan sa karagatang Pasipiko, na nakakaapekto sa Zamboanga Peninsula, Tawi-Tawi, Basilan, at Sulu, kung saan inaasahan ang mga kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat sa rehiyon.

Ang parehong pattern ng panahon ay mararanasan din sa Metro Manila at sa ibang bahagi ng bansa, kung saan inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin at mga isolated thunderstorms sa loob ng susunod na 24 na oras.