Masayang ibinalita ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na tuluyan nang napagtagumpayan ng kaniyang bansa ang laban kontra coronavirus disease. Ito’y matapos kumpirmahin ng mga health officials sa New Zealand na naka-recover na ang huling pasyente na nagpositibo sa nakamamatay na virus.
“We are confident we have eliminated transmission of the virus in New Zealand for now, but elimination is not a point in time, it is a sustained effort,” saad ni Ardern sa isang news conference.
“We almost certainly will see cases here again, and I do want to say that again, we will almost certainly see cases here again, and that is not a sign that we have failed, it is a reality of this virus. But if and when that occurs we have to make sure — and we are — that we are prepared.”
Mananatili namang nakasara ang borders sa buong bansa sa takot na baka manggaling ang mga bagong kaso sa mga taong papasok sa bansa.
Inanunsyo rin ng prime minister na nagkasundo ang mga gabinete na tanggalin ang lahat ng natitirang virus restrictions sa buong bansa simula mamayang hatinggabi.
“We can hold public events without limitations. Private events such as weddings, functions and funerals without limitations,”
“Retail is back without limitations. Hospitality is back without limitations. Public transport and travel across the country is fully opened.” dagdag pa nito.
Sa ngayon ay nakapagtala lamang ng 1,500 kumpirmadong kaso ng virus ang New Zealand at 22 ang namatay.