Naantala ng 20 minuto ang pagsisimula ng huling debate sa pagitan nina British Prime Minister Rishi Sunak at opposition Labour leader keir Starmer bago ang nalalapit na 2024 UK general election sa susunod na linggo, Hulyo 4.
Ito ay bunsod ng malalakas na protesta na isinisigaw ang mga katagang “Free, Free Palestine” at mga kalampag mula sa grupo ng pro-Palestinian protesters na nagtipun-tipon at nakatayo sa labas ng Nottingham Trent University na nadinig sa televised election debate ng presidential candidates.
Inacknowlekdge naman ni Debate chair Mishal Husain na ang naturang protesta ay makatwirang parte ng demokrasiya sa UK at bilang exercise ng freedom of speech ng mga mamamayan.
Winagayway din ng mga nagpoprotesta ang bandila ng Palestine at may hawak na banner na may nakasulat na ““Condemn apartheid, condemn terrorism.”
Samantala, naging sentro naman ng debate nina Sunak at stramer ang hinggil sa isyu ng migration at tax policies.
Sa huli, kapwa naman nangako ang dalawang lider na huwag pataasin ang personal taxes bagamat nakasama sa Conservative manifesto ang ambisyon na tanggalin ang national insurance.
Base sa pinakabagong YouGov voting intention poll, nangunguna ang Labour Party na nakakuha ng 37% habang pumangalawa naman ang ruling Conservative party na nasa 19%.