Muling nai-raffle sa ibang branch ng Muntinlupa City Regional Trial Court ang huling drug case ni dating senator Leila de Lima.
Base sa court order na pirmado ni Muntinlupa City RTC Branch 204 Presiding Judge Abraham Joseph Alcantara na isasagawa ang pagdinig ng kaso sa Hulyo 7.
Ang nasabing hakbang aniya ay base na rin sa mosyon na inihain ng mga co-accused ng dating senador na sina Ronnie Dayan, Joenel Sanchez at Franklin Bucayu.
Magugunitang ang nasabing motion ay nagresulta sa pag-inhibit ni Muntinlupa City RTC Branch 256 Presiding Judge Romeo Buenaventura.
Si Alcantara ay siya ring judge na nag-acquit kay de Lima at dating driver-bodyguard nito na si Dayan sa isa sa tatlong drug case na inihain laban sa kaniya.
Sa kasalukuyan ay naibasura na ang dalawa sa tatlong kaso na may pagkakasangkot sa iligal na droga ang dating senador.