-- Advertisements --

pnpmonday1

Puno ng pasasalamat ang naging huling flag raising ceremony ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar kaninang umaga.

Si Eleazar ay magreretiro na sa serbisyo sa darating na Sabado, November 13, 2021 sa pagsapit ng kaniyang 56th birthday na siyang mandatory age of retirement.

Sa talumpati ni PNP chief, isa-isa nitong pinasalamatan ang mga nagbigay suporta sa kaniyang administrasyon.

Pinasalamatan din nito ang buong police force lalo na sa mga ipinatupad nitong polisiya lalo na ang internal cleansing campaign.

Ipinagmalaki din ni PNP chief na sa ilalim ng kaniyang pamumuno nagawa nilang mapataas ang trust rating ng PNP.

Ayon kay Eleazar, sa kanyang maikling panunungkulan, ang magandang maiiwan nito sa organisasyon ay ang pagtataas ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa kapulisan.

Giit ni PNP chief nakaka-proud na bumabalik na ang tiwala ng publiko sa PNP.

Dahil dito, epektibong magagampanan ng PNP ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng tulong at kooperasyon ng publiko.

Ikinatuwa ni Eleazar ang resulta ng survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc., kung saan nakapagtala ang PNP ng five-point increase sa kabuuang high trust rating.

Binigyang-diin ni Eleazar na ang magandang balita ay kaniyang ina-attribute sa 220,000 uniformed and non-uniformed personnel na nakiisa at sumuporta sa kaniyang mga adhikain.