Dumating na ang ilang mga kaanak ng black American na si George Floyd sa Fountain of Praise Church sa Houston para sa funeral service nito.
Ang private funeral service sa Houston, kung saan ipinanganak si Floyd, ay siyang pangatlong beses na ginawa na una
ay sa Minneapolis at North Carolina.
Limitado lamang sa 15 katao ang pinapasok sa loob ng simbahan bilang pangamba pa rn ng pagkalat ng coronavirus.
Inaasahan naman na dadalo sa nasabing funeral service si Democratic US presidential candidate Joe Biden.
Magugunitang nasawi si Floyd matapos na luharan ng pulis sa Minneapolis ang leeg nito ng ito ay arestuhin.
Dahil sa pangyayari ay sumiklab ang malawakang kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng US at maging sa ibang bansa dahil sa racial discrimination.