-- Advertisements --
Sa huling pagkakataon, nagtipon-tipon ang mga kaibigan, kapwa artista, at mga tagahanga ng naiwang pamilya ng beteranong aktor na si Eduardo “Eddie” Garcia.
Ito’y para sa misa kasabay na rin ng huling gabi ng lamay sa Heritage Park sa Taguig.
Iuuwi na kasi ng pamilya ni Manoy ang urn kung saan naroon ang abo mula sa na-cremate na labi ni Eddie.
Nitong June 20 nang tuluyang pumanaw sa edad na 90 ang multi-awarded actor makaraan ang mahigit dalawang linggong pag-aagaw buhay sa ospital.
Ito’y kasunod ng tinamong severe cervical fracture matapos maaksidente sa gitna ng taping sa Tondo, Maynila, noong June 8.