Inalala ang mga kaanak at malalapit ng kaibigan ng pumanaw na actress na si Amalia Fuentes ang mga masasayang karanasan nila noong nabubuhay pa ito.
Sa huling gabi ng burol ng actress nitong Lunes ng gabi nagkaroon ng pagkakataon ang ilang mga malalapit na kasamahan sa showbiz ng actress na ibahagi ang kanilang masasayang alaala sa actress.
Ilan sa mga dumalo ay ang pamangkin nitong si Aga Muhlach kasama ang asawang si Charlene, mga actress na sina Boots Anson-Roa, Celia Rodriguez, Caridad Sanchez at ang mag-asawang sina Anabelle Rama at Eddie Gutierrez.
Nandoon din sina Manoling Morato at Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
Isasagawa muna ang misa sa Mt. Carmel ngayong umaga bago ito dalhin para doon ilibing sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.