-- Advertisements --

Natuloy na rin ang world premier ang huling James Bond film ni Daniel Craig na “No Time To Die”.

Kasunod ito ng pagkakaantala ng nasa 18 buwan dahil sa COVID-19 pandemic.

Isinagawa ito sa London kung saan dinaluhan ng dalawang magkahiwalay na henerasyon ng mga royal family bilang pamamaalam ni Craig sa pagiging James Bond.

Dumalo sina Duke and Duchess of Cambridge sa Royal Albert Hall nina Prince of Wales at Duchess of Cornwall.

Emosyonal naman ang actress na si Naomie Harris na gumanap bilang si Moneypenny sa ikatlong pagkakataon.

Sinabi Harris na matagal ng hinintay ng mga fans na mapanood ang pelikula sa mga sinehan.

Kabilang sa dumalo sa premier ang actor na si Rami Malek na siyang tumayong kalaban ni Bond ang actress na si Lea Seydoux, Ana de Armas habang kumanta naman si Billie Ellish ng theme song ng pelikula.