-- Advertisements --

Mula sa 210 kahapon, nakapagtala naman ng 205 ngayong araw ng Linggo ng bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH), umakyat na sa kabuuang 3,684,500 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH na 3,610,658 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.

Nasa 60,182 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong araw ng tatlo.

Una nang iniulat ng DOH na 13 lugar sa labas ng Metro Manila ang tumaas ang kaso ng COVID bagama’t hindi na idinetalye ang mismong bilang

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ito ay ang mga probinsya ng Marinduque, Surigao del Sur, Ilocos Norte, Kalinga, Batanes, Quirino, Catanduanes at Eastern Samar, gayundin ang Davao City, Butuan City, Olongapo City, Tarlac City, at Angeles City.

“Hindi naman significant pero kailangan nating bantayan,” ani Cabotaje.