-- Advertisements --

Simula ngayong araw, July 25, epektibo na ang bagong curfew hours na ipapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

MMDA curfew Last Sunday July 2021

Kahapon nang inilabas na ng MMDA ang bagong resolusyon kung saan nakasaad na mula sa apat na oras na curfew sa National Capital Region (NCR), ay anim na oras na ito.

Nangangahulugan ito na mula sa dating alas-12:00 ng hatinggabi mula alas-4:00 ng madaling araw, pinaaga na ito simula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.

Una nang inihayag ni MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., na ito ay base sa napagkasunduan sa isinagawang pulong matapos ang biglang pagbabago rin sa quarantine classification dahil sa banta ng Delta variant ng Coronavirus Disease.

Nitong Huwebes nang kumpirmahin ng Department of Health ang pagkakaroon na ng local transmission ng mas nakakahawang Delta variant ng COVID na unang natukoy sa India.

Sa kasunod na araw naman nang bawiin muna ng Inter Agency Task Force ang resolusyon na nagbibigay permiso sa mga batang edad limang taon pataas na lumabas.