-- Advertisements --

Mula sa 437 kahapon, bahagyang bumaba sa 330 ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa tala ng Department of Health (DOH), umakyat na sa kabuuang 3,676,991 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.

Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 3,575,141 na kabuuang bilang ng mga gumaling mula sa COVID-19.

Nasa 59,015 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Samantala, nakapagtala rin ng pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan mula sa 43,486 active cases nitong Sabado, nasa 42,835 na lamang ito ngayong araw.