-- Advertisements --
Mula sa 899 kahapon, bumaba pa sa 899 ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 2,831,807 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 1,217 na bagong recoveries kung saan nasa 2,766,816 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 48,361 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong araw ng 156.