Itinakda na ni Senadora Risa Hontiveros sa Nobyembre 26 ang huling pagdinig ng Senado hinggil sa mga iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Hontiveros, chairman ng Senate Committee on Women na ito na ang huling ikakasang pagdinig hinggil sa POGO at imbitado pa rin si dating Bamban Mayor Alice Guo at ilan pang personalidad na dumalo sa mga nagdaang imbestigasyon.
Sabi ng senadora, may bagong impormasyon na nakalap ang kanyang tanggapan partikula sa pagkakaroon ng espiya ng china sa bansa.
Bagama’t aniya mayroon ng Executive Order ng pagbabawal ng POGO, may mga hindi pa rin malinaw sa EO na inilabas ng malakayang.
Sa susunod na imbestigasyon ay ilalahad ang mga reporma sa batas para wakasan ang POGO at iba pang scam na nambibiktima sa mga Pilipino.
Batay rin sa impormasyon ni Hontiveros, may mga opisyal ng gobyerno ng nagkukumpas sa mga POGO na magpanggap bilang legitimate business gaya ng BPO.
Isa pa sa mga magiging paksa aniya sa huling imbestigasyon sa susunod na linggo ay ang guerilla operations ng POGO at mga big fish gaya ni Alice Guo na nagpapatakbo ng POGO sa bansa.
Dahil sa pagpapasara ng mga malalaking operasyon ng POGO sa bansa kung saan maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho, naniniwala si hontiveros na malakas pa rin ang posibilidad na makahanap sila ng hanap-buhay.
Sa katunayan aniya ang job fair ng Department of Labor and Employment, marami ang mga dumalo na kumpanya para maghire ng mga Pinoy na alam nilang galing sa POGO.